Thursday, January 9, 2014

Kargador ng buhay

"Kargador"
Painted by: Ernie Patricio
2013
Oil on Canvas

(source: Pamanang Bedista, San Beda College-Mendiola)
Entry 1.1

Ako ay namangha sa ipininta ni Patricio dahil pinapakita nito ang tunay na kaganapan sa buhay ng isang tao. Lahat tayo ay nakaranas nang maging kargador sa buhay, kargador na kung saan hindi materyal bagay ang pasan natin bagkus ang mga problema na nakakaharap natin sa pang araw-araw. Gaya ng karamihan, ako rin ay naging kargador ng mga problema sa buhay, mapa lipunan man o personal. Dumating din sa puntong nararamdaman ko ang kasabihang "pasan mo ang mundo". 

May magandang dulot din ang pagpasan ng mga bagay bagay, dahil dito unti unti tayong lumalakas at nagiging matatag sa buhay. Ngunit darating din sa puntong mapapagod tayo at manghihina tayo kakapasan lalo na kung ito ay paulit-ulit nalang nating dinadala. Maari din humantong ito sa pagkadapa natin dahil sa mga mabibigat na pasan, pero kahit ganito ang sitwasyon natin wag nating hayaan na madala tayo sa bigat. Tumayo tayo, tatagan at lakasan ang loob, mag tiwala sa sarili, dahil walang taong hindi kayang buhatin ang kanyang nabuhat na. Dadating din ang panahon na maglalaho din ang mga pasan natin sa buhay at dito natin matatamo ang tunay na pakay natin sa buhay.

Masasabi kong tunay na sining ang gawa ni Patricio, kung tutuusin natin makikita natin dito ang larawan ng isang taong pasan ang bagay na ang laman ay hindi materyal kundi ang mga problema sa buhay. Dito palang makikita na natin ang lalim ng kanyang ibig sabihin at intention. 

No comments:

Post a Comment