Thursday, January 9, 2014

Indie film

"Ligo na U, Lapit na me"
(Star-crossed love)
by Eros S. Atalia 

(source: googleimages)
Entry 3.1

"Paano mo malalaman kung hindi ka magtatanong? Pero andami-dami nating nalalaman kahit hindi tayo nagtatanong. Paano ka pa magtatanong kung alam mo na ang sagot. Pero paano ka magtatanong kung hindi mo alam kung ano ang iyong itatanong? Paano mo sasagutin ang tanong sa iyo kung hindi mo alam ang isasagot? Paano ka sasagot kung hindi mo alam ang tanong. (Kunsabagay, sa buhay na ito, madalas, tama ang sagot, mali nga lang ang tanong.)

Si Intoy, sa kauna-unahang pagkakataon, parang natuto na yatang magmahal pero hindi tiyak kung minahal ba sya o kinailangan. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang Math problems, tama ang sagot, hindi nga lang maipakita na tama ang solution...

Narito, ang isang nobelang may asim ng romansa, pait ng pagkabigo, tamis ng ligaya alat ng pamumuna at anghang ng kaastigan. Handa ka na ba?" - Eros S. Atalia


Ayon sa pinanood kong bahagi ng Word of the Lourd(WOTL): "Make your own Indie film" ni Lourd De Veyra, eto ang mga batayan ng pagiging indie film.
-May direktor na malalim mag isip
-May magulong camera angle
-Pangit na ilaw at tunog, ika nga niya raw
-Low budget
-May hindi kilalang artista pero magaling
-Nasa rural area o squatters area ang setting ng pelikula
-May prostitute o chicks(girls)
-May subtitle
-Wala o mababa ang talent fee sa mga artista na gumanap
atbp...

Sa pelikulang "Ligo na U, Lapit na me" ipinakita dito ang mga elementong nabanggit sa WOTL. katulad nang may subtitle na Ingles, may chicks, low budget na production, hindi gaanong kilalang artista at kung titignan natin ay malalim din magisip ang naging direktor at ang sumulat ng pelikula na ito. Makikita din natin sa pelikula na hindi naka-sala ang mga malalaswang eksena at salita, isa ito sa mga patunay na indie film ang pelikulang ito dahil sa malayang pagpapahayag ng damdamin na ipinapakita dito. 

Para sa'akin, isa itong magandang palabas dahil ipinapakita dito ang mga nangyayari sa lipunan, hindi man sa lahat ngunit meron mga ilan na ganito ang napagdadaraanan na lingid sa ating kaalaman. Sa una makikita natin na isa itong normal na malaswang pelikula ngunit kung titignan natin ng mas malalim ang pelikula dito natin makikita kung bakit ganoon ang naging kinalabasan ng storya.

No comments:

Post a Comment